Magkuwento ng mga interesadong bagay na naranasan sa inyong buhay na maaaring sa loob o labas ng bahay. I-share sa anak ang mga masasayang istorya mula childhood experiences. Pag-usapan ang inyong kuwento na puwedeng matutunan ng mga anak mula sa inyong pinagdaanan.
Ito ay isang paraan kung paano ma-develop ang communication skills ng mga anak na kailangan ng mga bata habang lumalaki. Puwedeng masaya o malungkot na pangyayari mula sa inyong pagkabata na makakatawag ng atensiyon ng anak. Mas interesado ang mga bata kapag naririnig na ikinukuwento ng mga magulang ang kanilang kabataan. Kaysa binabanggit ito kapag galit o nagsesermon lamang si nanay. Kundi samantalahin ang oras na habang kumakain, nasa kotse, o bago matulog na kuwentuhan ang mga anak. Para sa kanilang ikatututo at maiwasan ang pagkakamali na nagawa noon.