BFF na orangutan at aso

Marami ang naantig nang mag-trending nito lamang ang kwento ng orangutan na si Suryia at ng asong si Roscoe.

Ilang araw na ang binibilang na hindi nakakakain ng tama si Suryia dahil sa kanyang depression muna nang mamatay ang kanyang mga magulang sa zoo.

Walang magawa ma­ging ang zookeepers na malapit pa naman sa nasabing orangutan. Ang akala nila, nanaisin na lamang nitong mamatay sa gutom dahil sa mahabang pagluluksa sa sinapit ng kanyang ina.

Noong mamatay kasi ang ama ni Suryia ay agad itong naka-recover sa tulong ng kanyang ina. Kaya hindi rin nila alam ang gagawing aksyon dahil wala nang natirang kapamilya ang orangutan.

Nagbago ang lahat nang dumating ang matanda na’t nanghihinang aso na si Roscoe. Palaboy na aso si Roscoe na kinupkop ng mga zookeepers.

Doon na nila napansin na naging malapit si Suryia sa aso. Bumalik sa dati ang gana niyang kumain at ang lahat ng kanyang oras ay ginagamit niya upang alagaan si Roscoe. 
Magmula noon ay hindi na sila halos naghihiwalay.

Show comments