Gumagalang demonyo sa gabi, nanggahasa ng babae

Ayon sa kuwento ng isang ‘di nagpakilalang babae, naranasan niya na diumano ang mapagsamantalahan ng isang ligaw na kaluluwa o masamang espirito.

Ito raw ay isang demonyo na kung tawagin ay Incubus.

Nangyari ito isang gabi nang umuwi siyang pagod na pagod mula sa trabaho. Sa rami ng kanyang iniisip, nagulat siya nang mabilis siyang nakatulog.

Ilang sandali pa, siya ay nananaginip na, nakaramdam siya ng parang may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib at tila hinahalay siya. Ramdam na ramdam daw niya kung paano siya nito gahasain, pinilit niya raw gumising pero hinahatak pa rin siya sa kanyang pagtulog.

Ayaw siyang lubayan nito, kaya naman nagpatawag na ang nasabing babae ng manggamot na albularyo.

Ayon sa albularyo, mga babaeng pagod at stress ang madalas na puntirya ng demonyong ito, paliligayahin ka nila sa pamamagitan ng ginagawa nilang panghahalay.

Samantala, Succubus naman ang tawag sa babaeng ganito, at ang biktima naman ay mga lalaki.

Sa kaluluwa sila ng isang tao kumukuha ng lakas at enerhiya para makapambiktima ulit.

Show comments