“Magpapakatotoo ako. Pabor ako sa bagong kampanya na ito ang gobyerno. Sabi nga nila, ang mga tambay daw ay potential trouble of the public. Totoo naman. Kasi sa pagtambay naman nag-uumpisa ang lahat. ‘Di naman gagawa ang taong may trabaho ng mali kung kumikita siya. Madalas, ang gumagawa ng mali ay yung mga walang trabaho kaya napilitang kumapit sa patalim.” - Arjohn, 32
“Hindi ako pabor dito. Dahil sa anti-tambay drive na ‘yan, marami nang bagets ang takot maglalalabas. Kahit kasi may araw, hindi pinalalampas ng mga pulis. Pati nga nag-aabang ng masasakyan tambay na agad ang tawag. Asaan na ang freedom...” Dexter, 28
“Pabor ako diyan. Mas mainam yan para sa mga kabataan nang mapilitan silang umuwi ng bahay at mag-aral o makipag-bonding sa pamilya. Marami silang oras sa school para makipagkaibigan kaya kapag gabi na sana ay nasa bahay na lamang sila.” Tatay Pido, 48.
“Hati ang opinyon ko rito...maganda sana ito kung gagawin ng tama ng mga opisyal. Sana yung mga tambay na hinuhuli nila, kung tunay na tambay nga iyon, ‘wag nila basta-basta aarestuhin kasi ang presidente na mismo ang nagsabi, pagsasabihan lang ang mga tambay at hindi arestuhin. Pauuwiin pa nga dapat nila, hindi dadalhin sa presinto dahil hindi naman crime ang loitering.” Zeus, 29.
“Pabor ako rito pero sana ayusin ng mga pulis. Intindihin nilang mabuti yung instructions sa kanila kasi pansin ko yung iba sa kanila trip lang manghuli...kahit ‘di talaga tambay basta natiyempuhan sa labas, huhulihin na.” Edgar, 21.