Play time ng anak

Kahit school time na, hayaan at bigyan pa rin ng time ang mga bata na maglaro o makaroon ng time out sa kanilang play time. Tuwing naglalaro ang bata ay nakakalikha ng foundation para sa kanyang intellectual, social, physical, at emotional skills.

Kapag pinapayagan ang anak na makipaglaro sa kanyang kaibigan o classmates ay natututo silang pagsama-samahin ang kanilang ideas. Natutunan din nilang makisama, respetuhin ang gusto ng iba, opinion, at feelings ng mga kalaro.

Pero sa pagbibigay ng best toys sa anak ay hindi kailangang expensive. Pumili lamang ng laruan na puwedeng higit pa sa isang gamitan. Laruan na maaaring ma-enjoy ng bata na makatutulong na mapukaw ang kanilang imaginations. Kapag nakipaglaro pa ito sa ibang kaibigan gamit ang toys, alam nila kung paano i-combine ang ideas na mapag-isipan pagtulung-tulungan  na ma­ging smart ang mga bata.

Show comments