Ngayong panahon ng tag-ulan ang isa sa nangungunang sakit ay ang dengue fever.
Ang dengue ay isang malubhang sakit na mula sa kagat ng lamok.
Ito ay isang impeksiyon mula sa virus na dala ng kagat ng babaeng lamok na Aedes aegypti at Aedis Albopictus mosquito.
Ang dengue ay naisasalin sa tao sa pamamagitan nga ng kagat ng lamok.
Kadalasan ang sintomas ng dengue ay lumabas pagkatapos ng tatlong araw hanggang 15 days.
1. Mataas na lagnat.
2. Sobrang sakit ng ulo.
3. Masakit at namamaga ang paligid ng mata.
4. Masakit ang kalamnan, muscles, at joints.
5. Nagsusuka.
6. Nakararamdam ng pagod at nanginginig.
7. Lumalabas ang rushes sa balat.