Anak nabi-brain wash ng gf

Dear Vanezza,

Handa na kaming pamilya na pumunta ng Canada at doon na mag-aaral ang dalawang anak ko. Akalain bang biglang nagbago ng isip ang anak kong 16 years old na lalaki na gustong magpaiwan. Duda ako na na-brain wash siya ng nobya nito para mag-inarte na ayaw sa amin sumama. Hindi ba naisip ng GF niya na mas gaganda ang future nila balang araw kung doon muna sa Canada mag-aaral ang anak ko? Aawayin ko ba ang GF niya? – Mommy Divine

Dear Mommy Divine,

Kausapin ng maayos si GF at ipaunawa sa dalawa na pansamantala lang ang kanilang paglalayo. Tutal ay mga bata pa naman sila na puwedeng magpokus muna sa kanilang mga pag-aaral. Puwede pa silang mag-usap araw-araw sa kanilang social media kung gugustuhin  nila.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments