Matigas na desisyon ng ama

Dear Vanezza,

Grabe magparusa ang mister ko sa anak namin na tatlong araw na hindi umuwi ng bahay. Matigas ang desisyon niyang huwag i-enroll. Kaso last sem na ng anak namin at graduating na ito. Hindi ko naman masisi ang mister ko dahil sobrang tigas ng ulo ng anak namin na hindi nagpapaalam o nagti-text kung saan nagpupunta. Tama ba ang desisyon ng mister ko? – Jhoi

Dear Jhoi,

Ang pagbibigay ng reprimand sa anak ay puwedeng 1 o 2 weeks hanggang isang buwan. Pero hindi naman makatarungan kung magsa-suffer ang kanyang future. Pero bilang misis ay kailangan mong sumunod sa iyong mister. Upang matutunan ding sumunod ng anak mo sa tatay niya. Kung ipauunawa kay mister ang ibang paraan ng disiplina para sa anak ninyo. Pero dapat sumunod din sa pasya ni tatay bilang leader ng inyong tahanan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments