Ang cone snail ay isang uri ng suso na may hugis apa na shell.
Matatagpuan ito sa warm waters tulad sa Hawaii, Caribbean, at Indonesia. Napakaganda ng nilalang na ito dahil sa kanyang kakaibang brown at white na shell na hitsurang marble.
Naninirahan ito malapit sa dalampasigan katabi ng mga rock formation at coral reefs.
Ganun pa man, huwag padadala sa taglay na ganda ng cone snail dahil ang hayop na ito ay pasok sa top 10 pinakamakamandag at mapanganib na hayop sa buong mundo.
Pinangingilagan ito ng mga diver maging ng simpleng mangingisda dahil oras na tamaan ka ng ngipin nito, ilang minuto lang ay pwede ka nang malagutan ng hininga.
Ang venom nito ay nagtataglag ng conotoxin, kaya walang duda na ang cone snail ang siyang pinakamapanganib na suso sa buong mundo.
Kung ikaw naman ay minalas na malason nito, agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital dahil wala itong antivenin.
Ang lason na taglay nito ay nagpapahinto sa nerve cells para makipag-communicate sa isa’t isa na siyang dahilan para ikaw ay maparalisa.
Kilala rin ang cone snail sa nickname nitong cigarrette snail, dahil parang isang stick ng yosi na sinindihan na lang daw ang itatagal ng iyong buhay.