Vagina grooming treatments

Na-try mo na ba ito ang Vagina grooming treatments? Ang iba, kuntento na sa trimming-trimming lang ng pubic hair sa vagina.

Ang iba, nagpapa-wax--natural, bikini, mo­­dified, at ang iba full Brazillian wax. Pero may ibang groom­ing treatment pang ginagawa sa mga babae ayon sa artikulong lumabas sa health.howstuffworks.com

Vajacial - Vagina facial imbes na facial sa muk­ha. Sa pamamagitan nito, nalilinis, nato-tone, mamo-moisture, at nae-exfoliate ang bikini area. Umaabot ng 25-minuto ang prosesong ito kung saan tinatanggal din ang excess hair. Lumalambot ang skin sa bikini area. Nairerekomenda ito sa mga babaeng may ingrown hairs.

Vaginal Bleaching - Gumagamit ng mga pampapu­ting creams sa treatment na ito para pumuti ang  vaginal area. May mga dermatological clinics na nag-o-offer ng ganitong service na gumagamit ng kojic acid at vitamin C-based creams.

Sa treatment na ito, pumuputi ang vaginal area. Gayun­paman, mag-­ingat dahil baka magkaro­on ng aller­gic reaction sa mga cream na gagamitin.

Vaginal Steaming - Ti­natawag itong “ganggang” sa mga spa sa Singa­pore. Sa vagina grooming treatment na ito, umuupo sa isang bowl na may pinakuluang herbs.

Sa pamamagitan nito, sumisikip at nalilinis ang vagina. Sinasabing nako-control ang amoy at infection gayundin ang menstrual crapms.

Gayunpaman, marami ang nagsasabing hindi ito maganda sa vagina kaya kumonsulta muna sa doctor bago gawin ito.  (Itutuloy)

Show comments