Pagbabago ng Routine

Kung iniisip na hindi kayang makaipon, mag-isip muli. Maraming paraan upang magkaroon ng savings na hindi naman masakit gawin.

Gaya ng pag-transform ng inyong routine, lalo na ang hindi magagandang habits. Kung naninigarilyo ay hamunin ang sarili na tigilan na ito. Imbes na ipambili ng stick ng sigarilyo ang barya ay ihulog ito sa inyong piggy bank o jar. Sa halip na bumili ng beer o alak ay ilagay ang pera sa inyong savings.

Upang mapigilan ang pagsusugal ni mister, i-encourage ito na itabi na lamang ang pera para sa pamasahe o baon ng anak. Kung kayang lakarin mula sa gate pauwi sa inyong bahay, maglakad na lamang lalo’t nagtataasan ang pamasahe kahit sa tricycle.

Nakatipid ka na, nakapag-ehersisyo ka pa. Puwedeng baguhin ang mga unhealthy na gawain at i-transform sa good habits. Hindi lang nagiging healthy ang katawan at isipan, kundi maging ang wallet sa naiipong pera.

Show comments