Habang nagkakaedad hindi maiiwasan na may mga pagbabago sa ating katawan.
Kabilang sa nagkakaroon ng pagbabago ay ang vagina lalo na kapag nagkakaedad na ang mga babae.
Napag-usapan na natin ang pagbisita sa OB-Gyn ng taun-taon, ang masamang epekto ng sobrang linis sa vagina, ang pagbabantay sa menstrual cycle/discharge, paggamit ng alternatives sa sanitary napkin, paggamit ng tamang underwear at ang mga maling paniniwala na sanhi ng pag-iwas sa pangangalaga sa vagina.
Ngayon ay talakayin naman natin ang last part ng concept patungkol sa pagbabago ng vagina, patungkol sa pagbabawas sa carbs at sugar.
Alam n’yo bang nakakaapekto sa inyong vagina ang inyong kinakain?
Naapektuhan ang vaginal floral growth kung mataas ang intake ng carbohydrate lalo na kung ikaw ay diabetic.
Nagiging sanhi ito ng bacterial at fungal growth sa vulvovaginal area.
Kapag mataas ang sugar level, naaakit ang pagtubo ng microorganisms sa vagina.
Iminumungkahi ang probiotics na nagpapalakas sa lactobacilli na pangontra sa bacterial vaginosis at yeast infection.