‘Flower Power’

Kung gustong maiba ang look ng inyong sala at maging maaliwalas itong tingnan, maglagay ng fresh flowers.

Ayon sa mga experts, may magandang epekto ang bulaklak sa mind and body. Claim din ng mga scientists na mayroong positibong impact ang flowers sa kabahayan na tinatawag na flower power. Mayroon din itong positive health benefits sa mind and body bukod pa sa nagpapaganda at nagpapasaya ito ng mood.

Hindi naman kaila­ngang bumili ng fancy ng bouquet sa supermarket ng mga mamahaling roses.  Lalo’t makulay na ang mga dekorasyon at syle ng bahay.

Ang simpleng tanim na halaman na may bulaklak sa bakuran ay puwede nang magamit na dekorasyon sa inyong lamesa. Ang paglalagay ng bulaklak sa living room o kuwarto ay bumubuhay ng aura at humahatak ng positibong vibes sa kapaligiran ng inyong kabahayan.

Ito ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing kung gusto ay laging may pa­raan.                                       

Show comments