White lady sa Loakan Road

Kilala ang Baguio City bilang sikat na puntahan ng mga tao lalo na ‘pag tuwing tag-init, pero sa kabila ng ganda at kasikatan ng Baguio, may mga lugar pa rin ditong may kaakibat na ‘di maipaliwanag na misteryo. Isa na rito ang Loakan Road.

Binabaybay ng mahabang daanang ito ang Scout Barrio Barangay hanggang Philippine Military Academy area, makikita mo ang mga naggagandahang bundok at mayayabong na puno ‘pag ikaw ay napadaan dito.

Kilala ang Loakan Road bilang lugar na iniiwasan dahil sa diumanong babaeng nakaputi na madalas magpakita rito, may mga haka-haka na ang babaeng ito raw ay ginahasa at pinatay sa mismong lugar at ang kaluluwa nito ay nanatili sa isang pine tree sa gitna ng daan.

Bilang lumalaki na ang populasyon ng mga tao sa Baguio, dumadami na rin ang mga establisyimento rito, napagpasyahang putulin na ang nasabing Pine tree na tinitirhan ng white lady para patayuan ng mga gusali, pero ang mga taong nagtangkang pumutol rito ay nagkasakit at namatay.

May isa pang insidente na nagpalakas ng panini­wala ng mga taga-roon na totoo nga ang babae. 
Ma­lakas daw ang ulan noon at may pumarang isang babaeng nakaputi, isinakay ito ng driver at nang tatanungin niya na ang nasabing babae, bigla nalang itong naglaho.

Show comments