Isang paraan ng pangangalaga ng pepay ay ang paggamit ng tamang underwear. Madaming mga babae ang mahilig sa mga underwear na lace at satin ngunit iminumungkahi ang paggamit ng cotton underwear para mas nakakahinga ang pepay.
Tina-trap kasi ng underwear ang moisture at kung mainit, magiging sanhi ito ng pag-usbong ng fungi o bacteria. Iwasan din ang paggamit ng matatapang na detergents sa paglalaba ng underwear.
Imbes na gumamit ng panty liners, magpalit na lang ng underwear ng dalawang beses sa isang araw.
Hindi rin maganda ang paggamit ng thong. Ang disenyo nito ay maaaring maging sanhi ng pagtubo ng bacteria na maaaring maging sanhi ng urinary tract infections.
(Itutuloy)