Inaakala ng ibang magulang na kapag sumali ang anak sa sports ay magiging distraction ito lalo na sa kanilang pag-aaral, kaysa maging benepisyo para sa bata.
Sa kabaligtaran, ayon sa mga researchs maraming direktang impluwensiya ang sports sa mga bata na mas nagiging matagumpay pagdating sa academics.
Ang anak na parte ng team ng sports bilang extra curricular activity ay consistent na mas naging mahalaga ang epekto sa mataas na progresibo sa edukasyon ng bata.
Nagiging ganado rin ang bata na mas nagkakaroon ng energy sa maghapon na nakatutulong na mag-isip o maging creative ang anak. Napapatalas din ang pokus, nai-enhance ang mood, at nai-improve ang memory.
Kadalasan ang sports ang isa sa susi ng ingredients ng anak kaya nanatiling physically at mentally healthy ang estudyante na parehong impluwensiya ng sports para sa school.