Pinagsasaluhang Boodle Fight

Usung-uso ngayon ang mga boodle fight. Kahit hindi summer, ito ang paboritong style ng pagkain na nire-request ng mga Pinoy at ng mga gustong sumubok ng tradisyon/kultura ng Pinoy.

Ang boodle fight ay tradisyon ng mga Pinoy kung saan ilalatag sa dahon ng saging ang samu’t saring pagkain gaya ng kanin, seafood, karne, side dishes tulad ng ensalada, prutas, at marami pang iba.

Pero saan nga ba nagmula ang boodle fight?

Pinaniniwalaang nagmula ito sa military practice of eating a meal. ‘Pag nagbigay na ng hudyat ang leader ay saka na sisimulan ang ‘eating combat.’

Samantala, nagkalat na rin ang restaurant na nag-o-offer ng boodle fight. Swak itong pangnegosyo sa siyudad man o sa probinsya. Sa ilang resort sa Pilipinas partikular na ang Siargao na paboritong dayuin ng mga sikat na artista, surfer, o maging ng mga simpleng tao, ito ang kanilang inaabangan.

Sa Dako Island sa Siargao, paboritong stop over ng mga turista ang mag-lunch sa tabing dagat. Feeling relaxed sila pagkatapos mag-frisbee at volleyball dahil masarap na boodle fight meal ang nag-aabang sa kanila.

Show comments