Ang puno ng oak ay nagsimula sa buto. Tumubo at naging maliit na halaman. Ang sumunod ay lumalaki ito hanggang maging mighty oak. Lahat ay nagsisimula sa maliit na bagay pati na ang mga naiisip na ideas. Ang idea na nilalaro sa isipan hanggang sa ma-develop na maging isang negosyo.
Kalimutan ang mindset na maghangad agad na maging mayaman. Hindi ito uubra dahil walang shortcut papunta sa itaas. Ang pagiging matagumpay ay nagsisimula sa maliit at pinagtatrabahuhan ito pataas kung saan gustong makarating.
Gaya ni Michael Bloomberg na anak ng isang bookkeeper. Nag-aral siya sa Harvard University kumuha ng Master of Business Administrative degree. Sumunod ay nagtrabaho sa Wall Street, nagsumikap, at naging partner ng negosyo. Finally, nagsimula ng sarili niyang business na binago ang sistema ng security data at pag-store. Ngayon, isa siya sa pinakamayaman na tao sa buong mundo.
Lahat ng mga matagumpay na negosyo ay nagsimula sa brilliant idea mula sa malikhain at malikot na pag-iisip. Simpleng idea na nagiging brillant dahil hinayaang mag-work out na matupad kung ano ang nai-picture sa isipan.