Babae sa New York, inatake ng Pitbull sa Subway!
Kamakailan lang ay kumalat ang video sa instagram ng isang babae sa subway na inatake ng asong pitbull.
Makikita sa video na kahit anong gawin nilang sigaw sa aso at kahit anong awat ng owner nito ay hindi pa rin niya niluwagan ang pagkakakagat.
Makikita rin ang lalakeng katabi ng babaeng nakagat ay hawak hawak ang binti nito at pinipilit na ialis, nagdesisyon na ang mga pasaherong magpatawag na ng pulis. Pero bago pa man dumating ang tulong ay binitiwan na ng aso ang hita ng nasabing babae.
Samantala, patuloy pa rin ang sigawan at pagpa-panic ng mga pasahero. Agad ibinaba ang aso at ipinasok sa kulungan bago pa man mangagat ulit ito.
Inimbestigahan ng mga opisyal ng tren ang pangyayari at pinanuod ang video nito. Sinabi nilang ang video ay ‘disturbing’ at malinaw na lumabag ang may-ari ng aso sa patakaran ng tren.
Hindi na talaga nila pinapayagan ang magsakay ng mga pasaherong may dalang aso, maliban na lang kung nakalagay sila sa kulungan o ‘di kaya naman ay nasa carrier bag.
Walang nakuhang pahayag mula sa owner ng aso at kung bakit bigla na lang nangagat ang alaga nito.
Payo lamang sa mga owner na may alagang aso at pusa o iba pang hayop, kailangang magdoble-ingat ngayon lalo na dahil sa sobrang init ng panahon. Prone ang inyong mga alaga sa pangangagat dahil nagiging agresibo sila at mabilis mairita dahil sa init na nararamdaman. Painumin ng maraming tubig at dalasan ang pagpapaligo. Maaari rin silang ma-heatstroke at mamatay kaya iwasang iwanan sila sa mga maiinit na lugar at dalhin sa maraming tao.