Karaniwan sa kultura ng mga tao ay feeling laging on the go sa lahat ng oras. Ang pakiramdam na kapag hindi nagtatrabaho at nag-effort ng energy ay parang magkakasakit pa lalo.
Hindi namamalayan na kapag panay na naka-“on” sa kabisihan sa trabaho ay nawawalan ng pagkakataon na mapahinga ang brain at ma-recharge ang pangangatawan. Ngunit kung may oras para sa sarili na walang distraction ay nabibigyan ng oportunidad na malinis ang isipan, makapagpokus, at makapag-isip nang mas malinaw. Napapasigla lalo ang brain at katawan sa pagkakaroon ng rest mode.
Ang “me time” sa tahimik na space ay nakapag-iisip ng goals at naitatama ang purpose sa mga haharaping hustling at bustling pagbalik sa trabaho.
Kung gustong magkaroon nang kaayusan at pagbabago sa buhay, hinay-hinay rin kapag may time.
Dahil ang pag-iisa ay nakatutulong na mas maging komportable, productive, at healthy na kinakailangan ng “me time” para sa sarili.