Hayop na umiihi sa kanyang bibig

• May isang isla sa Brazil kung saan mahigpit na ipinagbabawal na pumunta ang mga tao.

• Mayroong li­mang ahas sa bawat square meter.

• Tinatantayang 80% ng mga hayop sa mundo ay insekto.

• Ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga hippopotamus ay mga cetaceans gaya ng balyena kahit magkaibang-magkaiba ang kanilang hitsura.

• Ang praying mantis ang tanging insekto na nakakayang paikutin ang ulo ng 360 deegrees.

• Ang Goliath beetle ang pinakamalaking insekto na may bigat na 3.5 onces at may habang 4.5 inches.

• Limang milyong itlog ang ipinapanganak ng Mola Mola o ocean sunfish sa isang itlugan lamang.

• Ang Brazillian Wandering spider ang pinakamakamandag na gagamba sa buong mundo.

• Dumbest dog kung ituring ang Afghan hound.

• Tigon ang tawag sa anak ng male tiger at female lion samantalang liger naman ang sa male lion at female tiger.

• Pod ang tawag sa grupo ng mga whales.

• Pinaniniwalaang mas nauna pa sa mundo ang mga pating kesa sa dinosaurs.

• Hanggang 100 taon ang itinatagal ng buhay ng alligators.

• Ang garden caterpillar ay mayroong 248 muscles sa ulo.

• Mas malaki ang tai­nga ng African elephants kesa sa Indian elephants.

• Ang Chinese soft shelled turtle ang unang hayop na naidokumentaryo na umiihi sa kanyang bibig.

Show comments