Negatibong emosyon ng anak

Habang lumalaki ang mga bata ay kailangan din nitong matututong makontrol ang kanilang emosyon. Lalo na ang pangit at negatibong ugali ng anak.

Kung isasali ang anak sa sport, maaaring ma-channel ang kanilang emotion sa tamang paraan kahit sa matinding tension. Kahit mataas ang emos­yon ng anak ay maiba­baling ang pokus nito sa sports at mailalabas ang mas magandang energy level.

Naiintindihan ng mga coaches ang mga negatibong ugali ng mga bata dahil sa emotional stress na makakasira ng kanilang performance sa paglalaro.

Pero sa tamang training at wisdom ng mga coaches sa mga sinasalihang sports ng mga bata; mas matutunan nilang harapin ang mga challenges at pressure sa buhay.

 

Show comments