Bad habits ng screen time

Ang exercise ay isang tool na inuugnay sa weight lose o weight management. Pero imbes na mag-ehersisyo na nagkakaroon ng bad habits gaya ng sobrang panonood ng TV o pagbababad sa screen ng mga gadgets.

Walang nagsasabi na nagiging healthy sa panonood ng TV. Sa katunayan, ito ay inili-link sa pagkain ng junk food hanggang sa maging obese. Nawawalan pati ng oras na kumilos na mataas ang risk na magkaroon ng diabetes.

Bawasan ang screen time, kundi magkaroon ng oras ng outdoor activities na nagpapaganda ng kalusugan, mood, productivity, at nagbo-boost ng energy levels. Tuwing nasisikatan ng araw sa umaga ay gumagana ang circadian rhythms at gumaganda ang tulog.

Fifteen minutes na outdoor activities lang gaya ng paglalakad, jogging, at paglalaro ng sports ng anak ay sapat na para ma-manage ang stress at maging creative sa pagharap sa maghapon.

Show comments