Komunikasyon ng mag-asawa

Maraming uri ng communication na parehong verbal o nonverbal na maaaring paraan upang maka-survive o mawasak ang mag-asawa. Mayroong apat na critical elements kaya nagkakaroon ng lamat ang pagsasama.

Criticism – Ang pagbubunganga, pagbabangayan, at sisihan.

Paghamak – Binabaliwala ang halaga ni misis o mister, rolling eyes.

Defensiveness – Ayaw pakinggan ang tama, inaayos sa sariling paraan na walang consent ng partner.

Stonewalling – Hindi pag-iimik, pagtatago, at pag-iwas,

Pamilyar ba kung paano itrato ang asawa? Para mabawasan ang conflict sa tahanan ay kailangang maging supportive sa bawat isa kung ano o paano ito sinasabi nang maayos kay daddy o mommy.  Sa halip na magpokus sa away at kahinaan, hamunin ang asawa na i-build up ang isa’t isa at bawasan ang pagpintas at pagsasabi ng masasakit na salita na maaaring may katotohanan, ngunit winawasak naman ang tulay na nag-uugnay sa may-bahay.

Show comments