Ang langgam sa loob ng sapatos

Panaginip: Isinuot ko ang aking sapatos. May nadama akong may kumakagat sa aking paa. Nang hubarin ko sapatos, nakita kong marami palang langgam na pula dito. Ipinagpag ko ang sapatos para maglaglagan ang langgam. Tinapakan ko ang mga langgam para mamatay.---Sweet Jenny

Interpretation : Ang sapatos ay simbolo ng iyong asawa/karelasyon o trabaho. Ang langgam ay representasyon ng problemang akala mo ay maliit lang pero malaki na ang perwisyong idinudulot sa iyo. Masosolusyunan mo ang iyong problema. Ito ang ibig sabihin na napatay mo ang langgam matapos mong ipagpag ang iyong sapatos.

Show comments