Nawala ang mga tao sa paligid

Panaginip: Kami na lang ng mama ko at mga pin­san ang tao sa Marikina. Sobrang saya ang aming nadama dahil sarili na namin ang mundo. Sinamantala namin ang pagkakataon kaya ginamit namin ang WiFi ng mga kapitbahay at pinagkukuha ang mga paninda sa groceries.---Ms. Sophie

Interpretation: Makakawala ka sa isang sitwasyon kaya malaya mo nang magagawa ang makapagpapaligaya sa iyo. Dahil sa kalayaang iyon, malaki ang posibilidad na matupad ang matagal mo nang pinapangarap. Iyon ang ibig sabihin na malaya ninyong nagamit ang WiFi ng kapitbahay.

           

Show comments