BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, at kung angkop sa mga sumusunod na home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
1. Ang pinakadapat tandaan para makaiwas sa heat stroke ay pagiging laging hydrated.
2. Umiwas sa sobrang nakakapagod na activities sa tuwing mainit ang panahon.
3. Kung gagawa ng physical activities dapat ay uminom ng maraming tubig at liquid pero iwasan ang mga alcoholic at caffeinated drinks tulad ng tsaa at softdrinks.
4. Magsuot ng sumbrero o laging magpayong kung lalabas sa initan.
5. Magsuot ng mga light-colored na damit at magagaan at manipis na damit.
6. Iwasang manatili sa mga sasakyan na hindi nakabukas ang aircon.
7. Iwasang magbabad sa arawan.