Ramdam na ramdam na ang summer….
Lahat ay gustong mag-swimming sa beach o swimming pool basta may tubig. May kalayuan ang mga magagandang beach mula sa Manila. Maraming resort sa Laguna at puwede ring mag-staycation sa mga hotel para makapag-swimming. Pero madami ring malapit na falls na puwedeng puntahan para magbabad sa tubig. Narito ang ilan na puwedeng puntahan.
DARANAK FALLS - Ang Daranak Falls ay nasa Tanay, Rizal at dalawang oras lamang ang layo sa Metro Manila. Ang Daranak ay naging shooting location ng ilang mga pelikula at teleserye. Pabarito rin itong location ng pre-nuptial photo shoots at waterfall photography.
Madaming dumadayo sa Daranak tuwing weekend kaya mas magandang pumunta nang maaga kung may balak. Maraming kubo at lamesang kainan, puwedeng mag-ihaw-ihaw kaya bet na bet ang Daranak.
BATLAG FALLS - Mula sa Daranak ay 10-minutong hiking lang ang layo ng Batlag Falls.
May mga pelikula na ring na-shoot sa falls na ito. Private na ang falls na ito kaya may entrance fee. Sementado na ang daan papunta sa falls mula sa entrance. Medyo matarik na akyatin nga lang. Tulad sa Daranak, may mga lugar na naiipon ang tubig at puwedeng liguan papunta sa main falls. May dalawang falls sa Batlag. Ang mas maliit na falls ay mas malalim na 15 feet habang ang main falls ay mababaw lang pero mas malawak.
HINULUGANG TAKTAK FALLS - Sumailalim sa restoration ang falls na ito na idineklarang national park matapos sumikat dahil sa kanyang “Tayo na sa Antipolo… and doo’y maligo tayo sa Hinulugang taktaktak….
Nasira ang Hinulugang taktak dahil sa mga taong nanirahan sa paligid nito. Dahil dito, isinara ito ng local goverment para i-restore katulong ang iba’t ibang organisasyon. Hindi na maaring mag-swimming sa Hinulugang taktak ngunit sa ginawang make-over ay maganda itong pagdausan ng event, mag-picnic, at mag-photoshoot.