Ang Urinary Tract Infection (UTI) ay kadalasang bladder infections. Hindi ito malala ngunit kapag napabayaan at kumalat sa ating kidney ay saka ito nagiging delikado. Narito ang ilang sintomas ng UTI:
1. Pananakit o burning sensation na nararamdaman tuwing umiihi.
2. Madalas na pakiramdam ng pag-ihi pero kakaunti lamang ang lumalabas.
3. Pananakit ng lower belly.
4. Malabong ihi na kadalasan ay kulay pink o pula.
5. Mabahong amoy ng ihi.
6. Pagkakaroon ng lagnat at pangangatog dahil sa impeksyon.
7. Maaari rin makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka.