BURP FACT
Isa sa mga pinag-usapan noong nakaraang taon ang chia seeds dahil sa rami ng benepisyo nito sa katawan.
Ang chia seeds ay nagtataglay ng limang beses na mas maraming calcium kaysa gatas, seven times na mas maraming vitamin C, three times na mas maraming iron kaysa spinach, at doble ng potassium content kaysa saging. Ang pinakamalupit ay eight times na mas marami ang taglay nitong omega kaysa salmon. Kaloka ha!
Bukod diyan ay nakakatulong ito sa energy at stamina. Nakakalakas din ito ng immune system. Kahit sa mga may problem sa timbang ay nakatutulong din ito dahil nakakapayat ang pagkain ng chia seeds.
Nakaka-normalize rin ito ng blood sugar levels at nakalilinis ng colon. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com