Nobya Nahawa ng Tulo sa BF

Dear Vanezza,

Dalawang taon kaming nagkahiwalay ng nobyo ko at hindi ako nagkaroon ng ibang lalaki maliban lang sa kanya. Isang buwan na kaming nagkabalikan at lagi siyang nagyayayang makipag-sex. Ang problema ay nagkaroon ako ng tulo. Nagpadoktor ako na nakumpirma kong mayroon akong gonorrhea. Nakipaghiwalay ako sa kanya, pero hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit. Ngayon ay nangungulit siyang makipagbalikan. Ayaw ko na talaga. Paano ko ba sasabihin na may tulo ang ex boyfriend ko? - Melizza

Dear Melizza,

Mas magandang sabihin sa kanya ang totoong dahilan. Ipakita ang resulta ng iyong check up at ang iyong medication na patunay na ikaw ay nahawa ng tulo. Upang magkaroon din ng pagkakataon ang dating nobyo na magpa-check up at magpagamot. Para magsilbing aral din ito sa lalaking tulad niya na hindi nag-iingat sa pakikipag-sex ng walang proteksiyon.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments