May dahilan kung bakit nakakaramdam ng sakit sa inyong pakikipag-sex.
Natalakay na natin ang mga posibleng dahilan ng sakit na nararamdaman sa pakikipag-sex.
Talakayin naman natin ngayon ang mga sintomas ng pains sa pakikipag-sex.
Ang mga sintomas ng sex pain na may kinalaman sa sexual intercourse ay mararamdaman kapag ipinapasok ang penis, sa penetration, sa mismong sexual act o pagkatapos na pagkatapos ng sexual intercourse.
Ayon sa www.emedicinehealth.com, ang mga sintomas ay ang mga sumusunod.
Pain sa intromission o pagpasok ng penis. Ang mararamdamang sakit ay sharp o burning pain.
Ang ikalawang pinaka-common ng sintomas ay deep pain.
Ang iba pang puwedeng maramdaman ay muscle spasms, pelvic cramping, o muscle tightness.
Ang iba ay nakakaramdam ng pain sa buong proseso ng pakikipag-sex. Mula umpisa hanggang matapos
Ang iba ay nakakaramdam lamang ng pain sa actual intercourse.
Kung mas matindi ang nararamdamang sakit kaysa sa karaniwan o kaya ay may bleeding o discharge, ipinapayong kumonsulta dsa pinagkakatiwalaang doctor. (itutuloy)