Matapos nating talakayin ang iba’t ibang bagay tungkol sa condom, ang tanong: gagamit ka ba ng condom o hindi?
Kung Sexually Transmitted Desease o Infection ang pag-uusapan, sinasabing 10,000 times safer ang paggamit ng condom para hindi mahawaan ng STD o STI.
Walang specific na brand ng condom ang 100% safe pero kung magagamit ng maayos ang condom ay mas mapoprotektahan sa STD at STA pati na rin sa unwanted pregnancy.
Sinasabing ang condom na gawa sa latex ang pinaka-effective laban sa STD.
Kung hindi pa handa sa responsibilidad sa pagiging magulang, gumamit ng condom.
Kung tama ang paggamit ng condom at tama ang ginamit na condom, at kung hindi nabutas ang condom sa pagse-sex, maiiwasan ang “unwanted pregnancy.”
Marami ang ayaw gumamit ng condom dahilan nababawasan daw ang ‘natural feel’ sa pagse-sex.
Ang iba, nahihiyang bumili ng condom.
Pero kung iisipin, mas nakakahiya ang magkaroon ng STD o STI o ‘di kaya ay mabuntis ng wala sa plano.
Magkano lang ang isang box ng condom kumpara sa magagastos sa pagpapadoktor at gamot para sa STD o STI.
Magkano lang ang condom kumpara sa magagastos sa panganganak, pagpapalaki ng anak, kung hindi ka pa ready.
So magko-condom ka ba o hindi?