Iba’t ibang Klase ng Condom

Bukod sa sizes na small, medium, large,  may iba’t ibang klase pa ang condoms. Natalakay na natin ang Standard condoms, Thin condoms, Extra strong condoms at snugger o fitted condoms, Studded o Textured condoms, at French ticklers Condoms.  Narito ang iba pang klase ng Condoms 

Colored condoms - Karaniwang nakikita ay ang condom na walang kulay. Para lang maiba sa paningin, gumawa ng iba’t ibang kulay ng condoms. 

Meron pang dual colored condom at tri-colored condoms - May colored condoms na ginawa para angkop sa panahon. May kulay black-orange para sa Holloween. May red at green din para sa Pasko at siyempre red para sa Valentine.

Meron ding glow in the dark condoms.  

Flavoured condoms - Ang mga flavours ay inihahalo sa lubricant na bumabalot sa condom. Ang mga flavours ay grape, orange, banana, strawberry, bubblegum, chocolate, vanilla, bacon, and cola. May coffee flavor din.

Siyempre match match ang flavor sa color. Dilaw kung banana flavor, pula kung strawberry, at  etchetera.

Ginawa ang mga flavoured condoms para magkaroon ng bagong dimension ang oral sex.  (Itutuloy)

Show comments