Siyempre, may iba’t ibang size ang condom, small, medium, large.
Pero bukod sa sizes, may iba’t ibang klase pa ito.
Standard condom -
Ito ang mga ordinaryong condom na may straight sides lang.
Thin condoms - Maraming ayaw magsuot ng condom kaya ginawa ang condoms na sa sobrang nipis ay halos hindi na mararamdamang may suot na condom.
Extra strong/strength condoms -
Mayroon ding makapal at mas matibay na condoms para maiwasan ang ‘disgrasya’. Kapag manipis kasi, may panganib na mapunit sa sobrang friction.
Snugger o Fitted Condom - Ito yung condom na mas maliit ang size kaysa sa regular condoms.
May mga lalaki na bumibili ng mas malaking condom… in reality, mas maliit ang kargada nila. Gusto lang nilang i-project na malaki ang kanilang ‘dala.’ Pero mas magiging okay ang sexual experience kung tamang fit ang gamit na condom. - (ITUTULOY)