Ilan ba ang alam ninyong iba’t ibang klase ng condom?
Siyempre may iba’t ibang size ang condoms. Pero may iba’t ibang klase, texture flavor, at kung anu-anu pang ‘specialty’ ng condoms.
May iba’t ibang shape at sizes at klase ang condom, narito ang ilan.
• Standard condom – eto yung ordinaryong condom na nakikita o ipinamimigay na may straight sides lang.
• Fitted Condom, ito yung condom na mahigpit sa ilalim ng penis.
• Extra strong condoms, ito yung mas makapal at mas matibay.
• May thin condoms din.
• Textured condoms, ito yung mga condoms na may umbuk-umbok o baku-bakung condoms para sa mas enjoyable na sex.
• Coloured condom – eto yung mga condoms na iba’t ibang kulay, meron ding glow-in-the dark na lumiliwanag sa dilim.
• Flavoured condoms – para sa mas enjoyable na sex, may iba’t ibang flavor ito tulad ng mint, strawberry, chocolate, at iba pa.
• Vibrator condom – ito ay condom na may kasamang de-bateryang vibrator ring.
• Edible condoms – oo nakakain ang condom na ito.
• Female condoms – oo may condom din para sa mga babae.
Isa-isa nating talakayin ang mga uri ng condoms na ito sa mga susunod na colum.