Marami pa ring maling ginagawa ang mga lalaki pagdating sa paggamit ng condom, ayon sa men’shealth.com.
Talakayin naman natin ngayon ang tungkol sa pagtatago ng condom.
Aminin mo kuya, may condom ka ngayon sa wallet.
Marami sa mga men ngayon, may nakatagong condom sa wallets… tsk tsk tsk.
Siguraduhin lang na gagamitin na ito agad. Hindi magandang pinatatagal ang condom sa wallet.
Ayon sa National Institute of Health.
Ang friction sa pagbubukas at pagsasara ng wallet ay may effect sa condom na nasa loob ng wallet.
Ang condom na naiipit sa loob ng wallet ay nabe-bend kapag nauupuan at nadadaganan na makakaapekto sa quality ng condom. Puwede ring mapunit o mabutas ang wrapper. Kahit nasa labas ay mukhang ok naman ang condom, sa loob ay hindi na.
Malalaspag ang condom kapag nasa wallet ito.
Mas maigi pang ibulsa o ilagay na lang sa bag ang condom, ilagay sa hindi makikita, mapipipi, o maiipit…
Sa kuwarto, ilagay sa tagong lagayan. Ilagay sa damitan o sa mga bote o lagayan na safe at ‘di pansinin.
Ikonsidera ang pagkakaroon ng condom case. ‘Yung disimuladong lagayan na puwedeng ilagay sa bag o ibulsa.
Kaya ingatan ang comdom, ilagay sa safe na lagayan at huwag burara. - ITUTULOY