Walang Respeto ang BF

Dear Vanezza,

Ako po si Nancy, seven months na kami ng boyfriend ko nitong August 6 lang ay monthsary namin. Nagalit siya sa akin dahil hindi ako nakapag-online kasi umalis kami ng mama ko eh wala akong CP dahil nasira. Ngayon ay minura niya ako at nakipaghiwalay siya sa akin. Lumipas ang tatlong araw nakikipagbalikan siya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko pa siya, pero mahal ko pa rin siya. – Joi

Dear Joi,

Ikaw ang makapagpapasya kung bibigyan mo pa siya ng pagkakataon. Pero kung ngayon pa lang ay sarado na ang isip ng BF mo sa pagbibigay sa iyong pang-unawa. At ngayon pa lang ay nagagawa ka niyang murahin na tanda ng hindi pagrespeto sa iyo. Mas masahol pa ang mga puwede niyang gawin para sa iyo in the future.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments