Baptist Day: 117 Taon sa ‘Pinas

Dasmariñas City, Cavite - Masayang nagsama-sama ang mga miyembro ng Baptist churches ng probinsya ng Cavite upang ipagdiwang ang ika-117 taon ng Baptist sa Pilipinas. Ang tema ay “Behold the Lamb of God”. Dumalo ang humigit na 1,500 miyembro ng mga Baptist churches at 80 Pastor sa buong Cavite noong May 2, Martes sa Paliparan National High School, Dasmariñas City. Ipinagdiwang din ang Baptist Day sa Batangas, Quezon, at iba pang probinsya ng bansa noong May 1, Lunes. Ito na ang ikatlong taong pagdiriwang ng Baptist Day sa Pilipinas. Purihin ang pangalan ng Panginoon!

 

Show comments