Tips kung paano magmukhang payat at mas maganda sa picture (1)

Sa tuwing magpapakuha ng litrato, tandaan na laging ilabas o ipakita ang inyong leeg. Subukan ninyong yumuko sa picture at makikitang mukha kayong mataba at unwelcoming. Ugaliing iangat ang ulo dahil magbibigay ito ng ilusyon na mahaba ang inyong leeg at payat ang inyong pangangatawan.

Kapag nakaupo naman ay ituwid ang inyong likod. Mapapansin kasing kapag naka-relax ang inyong posisyon ay magmumukhang malaki ang inyong tiyan at tinatamad. Samantalang mukha naman kayong sexy kapag tuwid ang pagkakaupo.

Bigyan ng atensyon ang inyong kamay. Hindi magandang tingnan ang cross arms dahil nagbibigay ito ng pangit na impression. Subukan ilagay ang inyong kamay na parang hourglass ang shape. Sa ganitong pose ay magmumukha kayong sosyal at sopistikada.

Show comments