Viagra Side Effects

Ayon sa kalusugan.ph ang gamot na Viagra ay mabisa para mapa-relax ang mga kalamnan at pagbutihin ang pag-agos ng dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ngunit ito ay mas karaniwang inirereseta upang patigasin ang ari ng mga lalaki sa panahon na nakararanas ng erectile dysfunction. Minsan pa, inirereseta rin ito para gamutin ang pagtaas ng presyon ng dugo sa ugat na patungong baga (pulmonary artery). 

Ang Viagra  o sildenafil (generic name) ay phosphodiesterase-5 (PDE5) inhibitor na ginagamit para sa treatment ng erectile dysfunction.

Ang rekomendadong dosage ng Viagra ay 25-100 mg na iniinom 30 minutes hanggang 4 hours bago ang sexual activity.

Maaaring makaranas ng mga side effects tulad ng mga sumusunod: Pag-iinit o pamumula sa mukha, leeg o dibdib, paninikip ng ilong, pana­nakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pananakit ng kalamnan, pagkahilo, pagtatae, me­mory problems, back pain, hindi matukoy ang pagkakaiba ng green at blue, pagkabingi, at nakaririnig ng tining sa tenga. 

Ang Viagra ay maaa­ring mag-interact sa mga gamot na   avanafil, tadalafil o vardenafil, bosentan, cimetidine, conivaptan, imatinib, isoniazid, antidepressants, antibiotics, antifungals, drugs para sa high blood pressure o  prostate disorder, mga gamot sa heart o blood pressure, gamot sa hepatitis C at HIV/AIDS medicines.

Ipaalam sa doctor ang mga gamot at supplements na iniinom bago uminom ng Viagra.

Ang Viagra ay para sa mga lalaki at malayong ipainom sa mga babae lalo na sa mga nagbubuntis at nagpapa-breastfeed. Gayunpaman, sinasabing hindi ito mapanganib sa fetus. (source: http://www.rxlist.com at http://www.webmd.com)

 

Show comments