Ilan ang Letra ng Pangalan mo?

Sa Chinese I-Ching philosophy, simple lang ang pagkuha ng name number. Ito ay sa pamamagitan ng letter count—bibilangin kung ilang letra mayroon ang iyong pangalan. Ang total number ang magsasabi kung ang isang pangalan ay napakasu­werte, katamtaman ang suwerte, o malas. Mayroong 81 numbers ang I-Ching name numerology. Narito ang listahan:

Very Lucky: 1, 3, 5, 6, 7, 8, 11, 13, 15, 16, 17, 18, 21,23, 24, 25, 29, 31,32, 33, 35, 37, 39, 41, 45, 47, 48, 52, 57, 63, 65, 67, 68, 73, 82.

Katamtaman ang su­werte: 38, 51, 55, 58, 61, 71, 72, 75, 77, 78.

Malas : 2, 4, 9, 10, 12, 14, 20, 22, 26, 27, 28, 30, 34, 36, 40, 42, 43, 44, 46, 49, 50, 53, 54, 56, 59, 60, 62, 64, 66, 69, 70, 74, 76, 79, 80.

Halimbawa: Lilia Ong Javier. Ang Ong ay apel­yido noong dalaga pa si Lilia. Lilia---5; Ong---3; Pe---2. Interpretation: Very lucky ang kanyang first name at maiden name ngunit malas ang apelyido mula sa kanyang mister. Para maging masuwerte, lagi niyang isulat ang Lilia O. Pe para may 8 letters na very lucky. Gawan mo ng paraan upang ang isusulat mong pangalan sa mga official documents ay may bilang na kabilang sa  “VERY LUCKY”.       

Show comments