Kapag pinag-usapan ang sweet at sugar, hindi ibig sabihin ay candy na agad ang pinatutunghayan. Lahat ng pagkain na mataas ang sugar ay counted na bilang “sweets”. Kasama na ang doughnuts, pastries, sweet pies, fresh sweet fruits, dried fruits, o iba pang panghimagas. Kapag kinain ang mga ito na walang laman ang tiyan ay tataas agad ang sugar count. Kasunod nito ang insulin rush sa daluyan ng dugo na agad na mabilis na pagproseso ng sugar sa katawan. Ang pagkaing nilalantakan ay nagiging sugar na naiimbak bilang taba o fats sa katawan dahil dito ay makararanas ng sugar crash. Dahil din dito ay nakararamdaman ng panghihina dahil sa epekto ng kinaing mga sweet food na wala pang laman ang tiyan.
Samantala, ang yogurt ay maganda sa tiyan. Dahil ito ay isang probiotics na healthy bacteria na good for the gut. Pero kapag ito ay kinain ng empty stomach ang probiotics ay masisira. Bago pa kumain ang bituka ay may natural ng acid bilang aid digestion sa tiyan. Ngunit kung kakainin ang yogurt ng gutom, lahat ng good probiotics ay mamamatay dahil sa lactic acid dahil sa taas ng level ng acidity sa sikmura. Mas magandang mayroon munang balanseng pagkain bago kumain ng yogurt kaysa inuuna rin ang mga sweet food sa agahan o unang kain sa maghapon. Para mas mabilis matunawan ang pagkain sa tiyan.