High Blood at Viagra

Kung may high blood pressure at kinokonsidera ang Viagra, ipinapayong ikonsulta muna ito sa pinagkakatiwalaang doctor.

Kung may high blood pressure, minsan ay nakakaapekto ito sa sexual performance.

Alamin muna sa inyong doctor kung maaaring mag-take ng Viagra o hindi.

Ang Viagra kasi ay gamot para sa erectile dysfunction. Nakatutulong ito sa erection ng mga lalaki.

Kapag uminom ng Viagra, pinapaluwag nito ang blood vessels para sa mas maayos na blood flow.

Pagpasok ng Viagra sa katawan, nagbubukas ang mga vessels kaya bumababa ang  blood pressure na maganda para sa mga may high blood pressure dahil nababawasan ang panganib ng atake.

Ngunit may kumplikasyon ito.

Ang mga lalaking umiinom ng gamot para sa blood pressure tulad ng diuretics, ACE inhibitors, at alpha blockers ay delikado na kapag nag-take pa ng Viagra.

Dahil may mga gamot na sa katawan na nagpapababa ng blood pressure, madodoble ang pagbaba ng BP kung iinom pa ng Viagra.

Kung masyadong mababa at mabilis ang pagbaba ng BP ay delikado rin.

Show comments