Dampa sa Bundok

Grabe na ‘to!

Aakalain mo bang isang cabin (dampa) na matatagpuan sa kabundukan ng Åkrafjorden sa Norway ang gawa sa natural elements tulad ng bato at damo? Gumawa ang Norwegian architecture firm na Snohetta ng isang cabin na malayo sa kabihasnan at animo’y nawawala at nagbi-blend sa kalikasan.

Mas malaki ito kung ikukumpara sa mga la­rawan dahil may lawak itong 376 square-foot at kakasya umano ang 21 katao sa loob. Ito’y ayon sa mga arkitektong nagdisenyo ng dampa. May malaking fireplace rin ito kung saan maaaring palibutan ng mga bisita. Ang mga kama naman na nakapalibot dito ay nagsisilbi ring upuan. May espasyo rin malapit sa entrance na maaaring paglutuan at gawing storage area.

Ang problema lang dito ay kung paano pumunta dahil kailangan ng maraming lakas at resistensya dahil nga matatagpuan ito sa bundok. Maaari lang itong mapuntahan sa pamamagitan ng paglalakad o kaya ng pagsakay sa kabayo. Pero oras na marating mo ang dampa ay siguradong mag-i-enjoy ka sa ganda ng tanawin.

Show comments