Ikinahihiya si Tatay

Dear Vanezza,

Gusto ko sanang imbitahan si tatay na umatend sa  church namin kaso nahihiya ako. Minsan kasi sinabihan ako ng kaibigan ko na nakita raw nila ang tatay ko na ang lakas ng tama. Bukod kasi sa lasenggo si tatay ay adik din ito sa droga kaya hindi maiaalis na ikahiya ko ang aking ama. Kaso natatakot akong mapasama siya sa tokhang, bago man lang sana ay mabahagihan ko man lang siya ng Word of God sa church namin. Paano ba ang gagawin ko? – Eddie

Dear Eddie,

Huwag mong pansinin ang sinasabi ng ibang tao. Kundi magpokus ka sa spiritual needs ng iyong tatay. Ang mahalaga ay madala mo siya sa church kung alam mong makatutulong ito sa kanya. Makatutulong  kung ang pastor o church member ninyo ang pumunta sa inyong bahay upang mag-share sa tatay mo para hindi na ito kailangan pang pumunta sa simbahan ninyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments