• Pinaniniwalaan na tanging itim at puti lamang ang nakikita ng mga aso pero ang totoo, nakikita rin nila ang ibang kulay pero hindi nga lang sing tingkad ng nakikita nating mga tao.
• Inakala rin natin na ‘galit’ ang mga toro sa kulay ng pula na siyang kulay ng telang winawagwag ng mga cowboy kaya sila hinahabol pero katunayan, nagre-react lamang sila mga galaw na ginagawa ng cowboy.
• Kapag natatakot, binabaon daw ng mga ostrich ang kanilang ulo, pero ang totoong gagawin nila ay tatakbo.
• Takot ang mga tao na humawak ng palaka o butiki dahil sa paniniwalang magkakaroon sila ng kulugo pero katunayan, hindi ka magkakaroon ng kulugo sa paghawak lang sa mga ito.
• Walang katotohanan na nagpapalit ng kulay ang mga chameleons/hunyango para sila ay mag-blend o humalo sa kulay ng kanilang kapaligiran. Nagpapalit sila ng kulay base sa kanilang emosyon at nararamdaman.