Dear Vanezza,
Ako po si Kathy lagi po akong pinagtsitsismisan ng nanay ng kapitbahay namin. Dahil masama raw akong kaibigan ng anak niya. As in bad influence raw ako sa anak niya na laging nagka-cutting classes. Natuto rin daw ang anak niyang gumimik kasama ang barkada nito. Ako raw ang nagtutulak sa anak niyang gumawa ng masasamang bagay. Pero ang hindi niya alam ay ginagamit lang ng anak niya ang pangalan ko para makatakas sa bahay nila. Dapat ko bang isumbong ang anak niya na ginagamit lang ako sa kalokohan nito? – Kathy
Dear Kahty,
Karapatan mo na linisin ang pangalan mo. Makatutulong na sabihin mo ito sa iyong magulang para sila ang mag-usap ng nanay niya. Kung may ibedensiya ka ay mas makatutulong ito. Huwag kang pumayag na sirain ang pangalan lalo na kung alam mo ikaw ay nasa tamang katuwiran.
Sumasainyo,
Vanezza