Mula sa pamilya ng mga conservative, naniniwala pa rin ako na mahalaga pa rin ang virginity lalo na kung pipili ka ng mapapangasawa. Ibig sabihin hindi “makati” ang babaeng pakakasalan mo. Sagrado Katoliko rin ang pamilya ko at lumaki ako sa mga tradisyon at paniniwala kaya kaya importante pa rin para sa akin ang virginity. Maging sa lalaki, mahalaga pa rin ‘yun. Napakasuwerte ng mga magiging mag-asawa na birhen pa rin pareho.
– Lito, Cebu
• Iba pananaw ko sa virginity. Ayokong maging judgmental kaya wala akong pakialam kung birhen pa ang isang tao o hindi. Hindi naman sa pagiging virgin nasusukat ang buong pagkatao eh. Kung paano pa rin makitungo sa iba at paano irespeto ang kapwa. Kaya wala akong paki sa virginity ng isang babae o lalaki.
– Arnold, Pasig
• Sa pag-aasawa? Mahirap na tanong ‘yan. Nate-tempt akong sabihing oo importante, pero kasi ako nakikipagrelasyon ako na sinusubukan muna kung compatible kami sa kama ng babae. Hahaha. Tikiman muna, kasi baka hindi naman pala enjoy sa kama, baka magsisi ako sa huli. Oo naniniwala ako na ang sex ay isang mahalagang parte ng buhay may asawa. Kaya ok lang sa akin na hindi na virgin ang babae. – Macky, Manila
• Isang malaking hamon sa mga kabataan ngayon ang tanong na iyan. Sa modernong panahon napakapusok na ng mga kabataan. Pero naniniwala ako na dapat virgin at puro pa rin ang isang tao kung papasok sa isang relasyon at pagpapakasal. Mahalaga ito dahil ibig sabihin seryoso siya sa papasukin o pinasok na relasyon sa isang tao. Hindi ‘yung tikiman lang ang gusto.
– Raymond, Batangas
• Hindi na uso ‘yan ngayon. Sa pananaw ko, wala naman sa pagiging virgin nasusukat kung paano magmahal ang isang tao eh. Hindi naman siguro makaaapekto sa relasyon ng dalawang tao kung may karanasan na o wala ang isang tao. Basta maging responsable lang kung may gagawin kayo ng dyowa mo. – Matti, Bohol