K-9 Dog Nag-rescue ng 3 Abandonadong Tuta

Hindi inaasahan ng isang pulis na si Ennis at kasama nitong K-9 dog ang nakita nila habang sila ay nasa loob ng sasakyan at binabaybay ang isang abandonadong subdivision na ginawang tapunan ng mga sasakyang ninakaw at kung anu-ano pa.

Nag-iimbestiga sa lugar nang may marinig na iyak ang asong si Tek.

Sinundan siya ng pulis at nakitang may tatlong tuta na hitsurang gutom na gutom at nababalot sa dumi ang katawan.

Agad na sinakay nina Ennis at Tek ang tatlong tuta para dalhin sa kanilang headquarters at sa clinic para sa mga aso.

Ayon sa beterinaryo, kung hindi pa naagapan ay posibleng namatay sa gutom ang mga tuta.

“A trooper never knows what he may encounter on a shift, but a day with puppies is a good day,” pagbabahagi sa Facebook account ng headquarter.

Show comments